Wednesday, March 21, 2012

“DUDOY” MAN OF THE HOUR


  
  Si Engr. Nerio Lalamunan Ronquillo, Jr. na nakilala sa taguring na “Dudoy” ay isinilang sa Banay-Banay, Concepcion, Lipa City, noong ika-26 ng Mayo 1969 nang mag-asawang Nerio Dimaano Ronquillo Sr., isang Auditor ng Philippine Air Force at Estelita Villapando Lalamunan, isang Medical Worker ng Fernando Air Base. Sa murang edad na anim na taong gulang ay kinakitaan kaagad na si “Dudoy” ay may likas na kabaitan, talino at pagmamahal sa Diyos at kalikasan. Kailanman ay hindi nanakit ng anumang ibong namumugad sa kanilang bakuran. Nag-aral ng elementarya sa Canossa Academy at nagtapos ng sekundarya sa De La Salle, Lipa at sa Mapua Institute of Technology sa kolehiyo bilang isang Athletic Scholar. 
   
   Naging     “Most Valuable Player” (MVP) at Captain Ball ng nasabing Pamantasan kung saan malaki ang naiambag niya upang ang Mapua ay tanghaling back-to-back Champion sa NCAA noon. Sa kabila ng hirap at mga kapansanang tinamo sa paglalaro ng basketball bilang isang athletic scholar tanging tiyaga at determinasyon ang ginamit upang maluwalhati niyang matapos ang mga kursong Bachelor of Science in Civil Engineering at Bachelor of Science Environmental and Sanitary Engineering.

   Siya ay unang nagtrabaho sa Nestle Philippines bilang Casual Pest Controller at noong nakapasa sa pagsusulit ng Civil Engineering ay naging Project Engineer siya ng ELR Everybody Construction at kalaunan ay nagtatag ng sariling negosyo. Siya’y nahirang sa City Engineer ng Lipa noong 1999 at naging pinuno din ng City Planning and Development Office na sabayan niyang ginampanan bilang pagkilala sa kanyang galing at katalinuhan. Madaming proyekto ang kanyang pinangasiwaan kabilang na ang pagpapakongkreto ng 72 barangay roads, mga VSR Type School Buildings, Lipa City Community Park at Lipa City Plaza Independencia.

   Nahirang na Provincial Engineer noong 2007 kung saan maraming hamon at pagsubok ang kanyang kinaharap bilang pinuno din ng Provincial Planning Department. Kasalukuyang Chairman ng KOOPABATANGAN MPC, Miyembro ng Personnel Discipline Board, Miyembro ng Task Force Taal Lake at Provincial Disaster Coordinating Council kung saan ay 24/7 siyang nakasubaybay sa mga lugar na posibleng daanan ng kalamidad. Kasama ni Gobernador Vilma sa pag-aasikaso at pag alam sa mga pangangailangan ng mga nasalanta ng kalamidad ganoon na din ang pamamahagi ng mga relief goods sa mga ito. Idagdag pa natin ang pagsasagawa ng mga medical missions ng Lalawigan na mayroong 1,078 barangays. 

   Nahalal na National Board of Director ng Philippine Institute of Civil Engineer (PICE) at Vice President ng Provincial Engineer’s Association of the Philippines (PEAP). Ang kanyang pagmamasteral sa kursong Business Administration sa International Academy of Management and Economics Major in Business Administration kasama na ang kanyang 13 na taong karanasan sa paglilingkod sa pamahalaan ay isang patunay lamang na hinog na siya sa karanasan at pamamahala ay sapat na dahilan para maging pinuno ng isang local na pamahalaan na pangarapin niyang tahakin. Katunayan, bahagi si Dudoy ng nabubuong legacy ng Gobernador Vilma Santos Recto at Senator Ralph G. Recto sa pamamagitan ng pagpapagawa ng mga VSR at RGR type school buildings, Day Care Centers, covered courts, farm to marker roads, provincial roads, bridges, district hospitals, drainage system, mga proyektong patubig, comfort rooms at waiting sheds sa buong lalawigan bukod pa ang mga naitulong niya sa Non-Governmental Organizations at pribadong sector.

   Kasal kay Gng. Jennifer Laya Hernandez ng Rizal St., Barangay 3, Lipa City, na anak nina Ernesto “Erning” Mayor Hernandez at Purificacion Welgas Laya. Binayayaan ng apat (4) na supling na sina Riofer Nicole, Ralph Nerio III, Rosavi Nathalie at Rafael Nerio IV. Si Dudoy ay namuhay sa prinsipyong minana pa sa kanyang amang si Ka Nering na “Huwag mangangako sa iyong kapwa sapagkat ang pangako ay bisperas ng pagkasira”. Siya ang “MAN OF THE HOUR” para sa aming nakilala sa kanyang kabutihan. . .pagpupunyagi at kaisipang pangkalahatan. MABUHAY KA!!!See More

1 comment: